v 17.0
Hulyo 30, 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Nasyonalismo, Pride, si Macapagal, at ang Pinas
(Isang Chopsuey ng Pag-aangas mula sa Forums
)
Ni Canis Lupus Fidelis

AHEM. TUNGKOL sa nationalism, malayo ang mararating niya in terms of feeding the hungry and being self-reliant. Hindi ako naniniwala na hindi natin kayang maging self-reliant. Hindi lang natin alam ang sariling lakas natin. Nasa attitude kasi ito ng tao, e. Una, 'yung bahala na. Nagugutom ako, wala akong pera. Paano ako mabubuhay bukas? Bahala na.

Nasaan ngayon ang vision mo sa future kung majority ng mga tao ay ganito ang attitude?

Isa pa, taun-taon, P20B daw ang nawawala sa corruption. Kung may 20 bilyones tayong nawawala taun-taon, at relatively buhay pa rin tayo, ano pa kaya kung yung mga bilyones na yun ay hindi nawawala?

You can't eat nationalism, sabi ng iba. Well, 'ala kang nationalism, 'ala kang self-respect. Paano ka magiging proud sa bansa mo kung 'ala kang nationalism? Hindi mo kailangang maging proud sa bansa mo bago tumubo ang nationalism, it's the other way around! Para kasing ganito, paano mo rerespetuhin ang nanay mo kung kinakahiya mo siya? Paano mo rerespetuhin ang sarili mo kung kinakahiya mo lahi mo?

About Macapagal, nung una, umaasa rin ako ng pagbabago. Tama ka Ederic, new politics. Masyadong nakakataba ng puso't panaginip. Nung simula nga, nung umaangal na yung ibang mga tao, sa isip ko, sobra naman sila! Bago pa lang nakakaupo, hindi naman parang magic yan na isang pitik lang, okay na lahat. Lalo na yung nagreklamo na wala raw siyang charisma. Napaka-istupido ng reklamong yun, dapat sipain sa ulo yung nagmungkahi nun. Dami-daming problema sa lipunan ang pinaka-angas mo "walang charisma"? Nasusunog yung bahay mo, nagrereklamo ka pa na hindi pogi yung bumbero?

Anyway, nag-digress na ako. Na-bad trip na ako talaga nung lumalabas na yung mga usapang nakikipag-deal na siya sa mga tao ni Erap. Kahit na nga yung pagbisi-bisita niya kay Erap e. Yung pag-spoil nila sa baboy na yun. tipong, bakit ba di pa bitayin yung impaktong yun?

Hindi ba nakakasuka yun? Parang yung kay Ople. Kahit na tama si Ople sa trabaho, masagwa tingnan e. Oo, ang mga krimen ni Erap ay krimen ni Ople! Nakipagsabwatan ka sa magnanakaw, may kasalanan ka rin! At yung fact na senador pa siya, at silang mga kasama niya, at nakipagsabwatan sila kay Erap, mas malaking kasalanan ang ginawa nila.

Nasaan na ang new politics? Blatant politicking ang ginagawa ni Macapagal e! Tapos mas may IQ daw siya?

Syet (err, sori din po sa term), kahit sinong may common sense naman siguro ang makakapansin na kapag nag-focus si Macapagal sa trabaho niya at hindi sa pangangampanya, mas may tsansa siya sa 2004. Di ba? kung maalala siya ng mga tao bilang "working president" at hindi "2004 president wannabe," bababa ba ang survey ratings niya?

Irony ang nangyayari e, at di ako makapaniwalang di niya napapansin ito.

O siguro nalaman niyang mas profitable na makuha niya ang suporta ng mga lower classes kesa i-kumpirma ang expectations ng mga EDSA 2 pipol. Baka nga ganun. Rude awakening ang EDSA 3.

Sino ang ipapalit namin kay Macapagal sa 2004? Majority wins. Kung gusto ng mga masa si Goma ang ipalit, so be it. Kung gusto nilang iupo ulit si Erap, so be it. Kung gusto nilang maghukay ng libingan naming lahat, fine.

Pero hindi titigil ang mga usapang ganito. May mga tao na patuloy na lumalaban sa isang seemingly-lost war. Sa panahong ang karamiha'y okay ipagpalit ang pride at dangal sa isang platong kanin, sa panahong usong-uso ang pagsuko, ito ang panahon na mas dapat kang kumapit sa dangal. Sa panahon na lahat ng tao'y nasa alapaap ng kanilang mga showbiz dreams, mas nangangailangan ang bansa ng mga taong kayang humarap sa katotohanan ng buhay.

Ito ang panahon na mas dapat na piliin mo ang self-respect at nasyonalismo kahit na nangangahulugan ito ng pagkagutom o pagkasawi.

Dahil pag nagsimula ka nang sumuko, talo ka na. Kapag bumigay ka sa pressure, basag ka na. Kapag lumuhod ka na, mas patay ka pa sa patay.

Ngayon, sa dinami-dami ng mga Pilipino na may potensyal na mag-isip nang ganito, sino ang maniniwala na wala tayong kakayahang maging self-reliant?

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Kumusta na'ng Lagay Natin?

SA ISYUNG ITO
Assessing the Address
By Dennis Aguinaldo

When-Just-Getting-By-These-Days-Is-Already-Such-a-Pain Ramblings
By Dolor Labrador

Nasyonalismo, Pride, si GMA, at ang Pinas
Ni canis lupus fidelis

Tungo sa Isang Matatag na Republika
Ni JM Cerna

Dapat Idaan sa Senado ang MLSA
Ni Ederic Eder

Pagbabalik ng 'Gapo
Ni Alexander Martin Remollino

Pagbabalik-Tanaw sa Ipinagdiwang na Fil-Am Friendship Day
Ni Armando Sinaglahi

Troy and KC Montero Were Once My Neighbors
Ni Karla Maquiling

Para kay Pare
Ni Alym Escultura

Gunaw
ni Sherbien Dacalanio

KOLUM
Subersibo
Ni Michelle Licudine

Alipato
Ni Alexander Martin Remollino

BAYANI
Ilang Gayat ng Buhay ni Larry Alcala
Sa Alaala ni Kasamang Doreen Fernandez

MAIKLING KWENTO
Bakit Ako Laging Sinusundan ng Buwan?
Ni Daryl Ang Valenzuela

An E-mail from the Suburban Sardine Queen
By Christine A. Ongpin

PITAK
President Macapagal's SONA

US Soldier Shoots Moro Civilian
By the Bagong Alyansang Makabayan

Political Cliques in Camarines Sur
By Noe Caceres and Perry M. Calara

Arroyo’s Ouster or Defeat in 2004 Possible—Joma
By Ace Alegre

MGA KWENTONG PP2
Never Again
By Lynn Lopez

TULA
The Necrophiliac Lover of an Artist
By MXV Ong
Quickly Join Hands and Prepare
By Honey Pie Maniego
Not So Different
By Abril Tamin
Sabing Sabit-sabit (ni Super-Egong Agit)
Ni Erwin Lareza
Pasakalye sa Pintuan ng Sawsawang Suka na may Tatlong Siling Pula
Ni Paquito Lapid
Empatya
Ni Anj Mendoza

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved