v 17.0
Hulyo 30, 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Ilang Gayat ng Buhay ni Larry Alcala

MADALAS NATIN siyang hanapin sa mga detalyadong eksenang iginuguhit niya sa "Slice of Life". May mga pagkakataong hindi natin nakikita kung saan niya itinago ang kanyang caricature, ngunit sa tuwina'y natatagpuan natin ang ating mga sarili sa kanyang mga iginuhit.

Kilala at natatandaan pa ba natin sina Mang Ambo, Kalabog en Bosyo, Siopawman, at Asyong Aksaya? Eh sina "Bim, Bam, Bung" ng Funny Komiks at"Lolo Brigido" ng Pambata magazine?

Natatandaan at kilala man natin sila o hindi, tiyak na hindi natin malilimutan ang alagad ng sining na nagbigay-buhay sa kanila, si Larry Alcala. Tatlong salinlahing Pilipino ang pinahanga at pinatawa niya.

Mahigit sa 500 tauhan, 20 comic strips, anim na pelikula, at dalawang murals ang kanyang nagawa sa loob ng mahigit 50 taon ng pagguhit. Nakapaglathala siya ng 15,000 pahina sa loob ng panahong iyon.

Itinatag niya ang Samahan ng Kartunista ng Pilipinas sa pagsusumikap na mas makilala ang mga Pilipinong kartunista. Napuna kasi niyang ang lokal na komiks ay napag-iiwanan ng syndicated at mas murang comic strips.

Naging propesor din siya sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan ipinakilala niya ang commercial design course at ang paglikha ng animated cartoons sa 8-mm film. Pinahalagahan din niya ang malawak na naabot ng cartoons bilang sa edukasyon at pagtuturo ng kagandahang-asal.

Iba't ibang parangal ang natanggap niya bilang kartunista, kabilang ang Araw ng Maynila Award noong 1994, Pamana Award for Cartooning noong 1991, Catholic Press Award for Best in Humor noong 1998, MOPC-SPIC Excellence in Cartooning, at ang UP Alumni Association Professional Award in Fine Arts.

Isinilang sa Daraga, Albay noong ika-18 ng Agosto, 1926, nagtapos siya ng BA Fine Arts sa UP. Habang nag-aaral doon, naging kinatawan siya sa UP Student Council, bahagi ng Board of Management ng Philippine Collegian, at tumanggap ng Ramon Roces scholarship.

Naging pinuno siya ng Visual Arts Department of the UP College of Fine Arts hanggang sa mag-retire siya noong kalagitnaan ng 1995.

Noong ika-24 ng Hunyo, pumanaw si Larry Alcala sa edad na 75. Naulila niya ang kanyang maybahay na si Guadalupe, 69 at mga anak na sina Lauro, 45, Lamberto, 43, Lizette Alcala Guanzon, 40.

Mula sa Bacolod kung saan siya pumanaw, inilapad patungong Maynila ang kanyang mga labi at ibinurol sa UP Chapel bago ihatid sa huling hantungan.

--------------
Ang ilang slices of information sa buhay ni Larry Alcala na inilathala natin dito ay mula sa Inq7.net (http://www.inq7.net/nat/2002/jun/26/nat_12-1.htm) at sa website para kay Larry Alcala (http://www.geocities.com/SoHo/Studios/4308)
.

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Kumusta na'ng Lagay Natin?

SA ISYUNG ITO
Assessing the Address
By Dennis Aguinaldo

When-Just-Getting-By-These-Days-Is-Already-Such-a-Pain Ramblings
By Dolor Labrador

Nasyonalismo, Pride, si GMA, at ang Pinas
Ni canis lupus fidelis

Tungo sa Isang Matatag na Republika
Ni JM Cerna

Dapat Idaan sa Senado ang MLSA
Ni Ederic Eder

Pagbabalik ng 'Gapo
Ni Alexander Martin Remollino

Pagbabalik-Tanaw sa Ipinagdiwang na Fil-Am Friendship Day
Ni Armando Sinaglahi

Troy and KC Montero Were Once My Neighbors
Ni Karla Maquiling

Para kay Pare
Ni Alym Escultura

Gunaw
ni Sherbien Dacalanio

KOLUM
Subersibo
Ni Michelle Licudine

Alipato
Ni Alexander Martin Remollino

BAYANI
Ilang Gayat ng Buhay ni Larry Alcala
Sa Alaala ni Kasamang Doreen Fernandez

MAIKLING KWENTO
Bakit Ako Laging Sinusundan ng Buwan?
Ni Daryl Ang Valenzuela

An E-mail from the Suburban Sardine Queen
By Christine A. Ongpin

PITAK
President Macapagal's SONA

US Soldier Shoots Moro Civilian
By the Bagong Alyansang Makabayan

Political Cliques in Camarines Sur
By Noe Caceres and Perry M. Calara

Arroyo’s Ouster or Defeat in 2004 Possible—Joma
By Ace Alegre

MGA KWENTONG PP2
Never Again
By Lynn Lopez

TULA
The Necrophiliac Lover of an Artist
By MXV Ong
Quickly Join Hands and Prepare
By Honey Pie Maniego
Not So Different
By Abril Tamin
Sabing Sabit-sabit (ni Super-Egong Agit)
Ni Erwin Lareza
Pasakalye sa Pintuan ng Sawsawang Suka na may Tatlong Siling Pula
Ni Paquito Lapid
Empatya
Ni Anj Mendoza

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved